 |
Bayan ng Baler |
Nakakapagod ang sobrang trabaho at pag-iisip. Minsan kailangan din ng ating katawan ng panandaliang pahinga at paglilibang. Kaya give yourself a break. It's more fun in the Philippines. Huwag sayangin ang oras kung may pagkakataon naman.
My first stop, Baler, Aurora . Ang Aurora ay matatagpuan sa silangang bahagi ng Central Luzon.
Mula Pampanga, halos 7 hours din akong nag-biyahe papuntang Aurora. Halos 90% na ng daan ay sementado na kaya hindi na ganun kahirap ang paglalakbay. Sa haba ng binyahe ko, sa dami ng paliku-likong daan nahalos di maubos-ubos, sa wakas narating ko rin ang Central Terminal sa bayan ng Baler.
 |
Central terminal ng Baler |
Ito ang unang pagkakataong nakabalik ako sa lugar na ito ng mag-isa. Humigit kumulang 20 taon na rin ang lumipas nung huling pagpunta ko rito, kaya ganun na lang ang kasabikan ko na muling makarating sa probinsyang ito. Mula Central Terminal sumakay pa ako ng tricycle papuntang bayan ng San Luis.
 |
Bahay nila Uncle at Auntie |
Mahigit 20-30mins din ang biyahe mula sa bayan ng Baler. Kaya mga bandang 6:00 na ng gabi ng dumating ako sa tahanan ng Uncle Virgilio at Auntie Aning ko. Maulan ng gabing iyon kaya medyo malamig sa paligid. Sayang masarap sana kung may kasama ako, hay...Ganun pa man Isang masarap na hapunan at umaatikabong kwentuhan ang nakahanda sa hapag.Dahil sa tagal ng di namin pagkikita di naubos ang dala kong kwento. Hindi ko nga naramdaman ang pagod dulot ng mahabang byahe, sa halip nagenjoy ako ng sobra. Ang sarap ng pakiramdam nang muli ko silang nakita.
First Day:
 |
Sabang Beach |
Isang magandang umaga ang bumungad sa akin sa araw na ito. Sakto ang pag dating ko dahil di "naulan" dito.Para sa mga gustong pumunta dito, saktong panahon ang Pebrero hanggang Abril. Malamig ang panahon pero ang sikat ng araw ay sadyang napakaliwanag,kakaiba ang klima dito kumpara sa Pampanga. Maaga akong gumising para makapaghanda sa gagawin naming paglibot, 8:30 ng umaga ng umalis kami sa tahanan ng aking Uncle, 20-30mins. ang biyahe papuntang Baler.
 |
Surfing Capital ng Luzon sa Pilipinas |
Unang destinasyon, Sabang Beach. Sa lakas at laki ng mga alon dito tamang tama para sa mga taong mahilig mag-surfing at para sa mga gustong matuto. Hindi ko akalain ganito pala kaganda ang Sabang Beach. Hindi nga lang kasing puti ng buhangin sa Boracay,pero ang paligid mamamangha ka talaga sa ganda.
 |
Dalampasigan |
 |
Si Batang Kapampangan at si Uncle Virgilio |
Magandang maglibot dito lalo na kung may pribado kang sasakyan. Dahil sa ganda ng lugar,marami kang pwedeng puntahan at gawin. Matapos ang isang oras ng paglalakad sa dalampasigan, sumunod naming pinuntahan ang Ermita Hill.
 |
Ermita Hill |
Bago kami tumuloy doon, dumaan muna kami sa Pamilihang Bayan ng Baler para bumili ng makakain. Mga humigit kumulang 15mins. din ang byahe papuntang Ermita Hill.
 |
Tromba Marina Sculpture |
Isa sa pinaka puntahan ng mga turista dito ang Tromba Marina Sculpture. Historical Marker ito na makikita sa paanan ng Ermita Hill. Ito ay pinangalanan ng mga Kastila base sa mapinsalang Tsunami na naganap noong 18th century, sumira sa buong kabayanan ng lumang Baler. Isa ang pamilyang Angara ang sinasabing nakaligtas sa trahedyang ito.
 |
Pook Tambayan |