Mga Pahina

Showing posts with label digisit. Show all posts
Showing posts with label digisit. Show all posts

April 03, 2012

Baler Diaries:Big Waves from the Pacific

Baler is the capital of Aurora Province. It is located at the east coast of the main island of Luzon. The way in getting to Baler itself is considered as additional attraction on this place. The lush forest of the Sierra Madre Mountain range covered the large proportion of Aurora.

Sabang Beach

When you reached the town proper of Baler, the nearest and easiest way to catch the waves coming from the Pacific Ocean is by going to Sabang Beach. Getting to this place will only takes 5-10minutes by riding a tricycle from the bus terminal or by driving your own private vehicle.

Sabang Beach is the main beach resort in Baler. It is the place where you can find and watch surfing enthusiasts.The water is clean and the waves are strong. Swimming at this beach is allowed only during daytime and at night you couldn't see the water. You can only hear the splashes of the waves to the coastline.Since it's an open water and part of the Pacific ocean, tourists specially children are not allowed to go beyond the perimeter line. The current is strong enough to pull a small kid. But there are life guards around who always ready in time of emergency.
APEC Beach Boys

At the second day of our vacation in Aurora, me and my friends, Edson and Sir Jerico decided to took a surfing lesson at Sabang beach. It was our first time to do this kind of surface water sport. Along the beach there are lots of establishments that offers surfing lessons for amateur and even for first timers like us. 


At the front of the beach, we found Baler Surf. Baler Surf is located at Sabang Beach near Bay's Inn restaurant. It offers surfing lessons, Board rentals and tours. Their surfing lessons worth P350 only per hour with personal instructor that will guide you the whole time of your surfing session. But if you already know how to surf you can just rent a surf board for only P200 pesos.


Surfing Lesson with our Instructor

The wave here is seasonal. So if you're a professional surfer and your looking for the bigger waves, the best time for you to visit this place is during the months of October to February. They conduct surfing tournaments every month of February as part of this town celebration of Aurora Day.

Best Shot ni Sir Jerico

For first timer like us, the height of the waves when we visited Baler was enough for us to learn the moves. whoooohooo. It's really enjoyable to do surfing specially for the first time.ehehe!  Through the effort of our instructors, we  easily surpassed the challenge of every waves that we encountered. Surfing is like a whole day session of workout in a gym. It needs more power and efforts. 



whooooah!!!

I'm not scared of water and even in waves, that's why at my first try to stand up in the surf board I easily made it. hahaha! But there were so many times that I've lost my balance and fell down. We stand and fall but our willingness to get the best waves was on it's climax. So we continued paddling and surfing. 


At the end of the session we felt so tired and thirsty, sarap mag-shower nito at pagkatapos ay uminom ng super lamig na fruitshakes. The experience of keeping your balance on the surf board is an epic experience. It feels like your a professional surfer riding on the waves. Boom! Thanks to our instructors, we've learned the proper and basic way on surfing. Thumbs up for Baler Surf service! Until next time...


Other Things To Do:

Surfing is not the only thing you can do here in Sabang Beach. You can also try kayaking, scuba diving and drive an ATV at the fine sandy coastline of the beach. But if you don't want to spend much, you can also play Frisbee together with your friends. 





February 05, 2012

Biyaheng Aurora ni BatangKapampangan

Bayan ng Baler
Nakakapagod ang sobrang trabaho at pag-iisip. Minsan kailangan din ng ating katawan ng panandaliang pahinga at paglilibang. Kaya give yourself a break. It's more fun in the Philippines. Huwag sayangin ang oras kung may pagkakataon naman. 

My first stop, Baler, Aurora . Ang Aurora ay matatagpuan sa silangang bahagi ng Central Luzon.

Mula Pampanga, halos 7 hours din akong nag-biyahe papuntang Aurora. Halos 90% na ng daan ay sementado na kaya hindi na ganun kahirap ang paglalakbay. Sa haba ng binyahe ko, sa dami ng paliku-likong daan nahalos di maubos-ubos, sa wakas narating ko rin ang Central Terminal sa bayan ng Baler.


Central terminal ng Baler
Ito ang unang pagkakataong nakabalik ako sa lugar na ito ng mag-isa. Humigit kumulang 20 taon na rin ang lumipas nung huling pagpunta ko rito, kaya ganun na lang ang kasabikan ko na muling makarating sa probinsyang ito. Mula Central Terminal sumakay pa ako ng tricycle papuntang bayan ng San Luis.

Bahay nila Uncle at Auntie
Mahigit 20-30mins din ang biyahe mula sa bayan ng Baler. Kaya mga bandang 6:00 na ng gabi ng dumating ako sa tahanan ng Uncle Virgilio at Auntie Aning ko. Maulan ng gabing iyon kaya medyo malamig sa paligid. Sayang masarap sana kung may kasama ako, hay...Ganun pa man Isang masarap na hapunan at umaatikabong kwentuhan ang nakahanda sa hapag.Dahil sa tagal ng di namin pagkikita di naubos ang dala kong kwento. Hindi ko nga naramdaman ang pagod dulot ng mahabang byahe, sa halip nagenjoy ako ng sobra. Ang sarap ng pakiramdam nang muli ko silang nakita.

First Day:
Sabang Beach
Isang magandang umaga ang bumungad sa akin sa araw na ito. Sakto ang pag dating ko dahil di "naulan" dito.Para sa mga gustong pumunta dito, saktong panahon ang Pebrero hanggang Abril. Malamig ang panahon pero ang sikat ng araw ay sadyang napakaliwanag,kakaiba ang klima dito kumpara sa Pampanga. Maaga akong gumising para makapaghanda sa gagawin naming paglibot, 8:30 ng umaga ng umalis kami sa tahanan ng aking Uncle, 20-30mins. ang biyahe papuntang Baler.


Surfing Capital ng Luzon sa Pilipinas
Unang destinasyon, Sabang Beach. Sa lakas at laki ng mga alon dito tamang tama para sa mga taong mahilig mag-surfing at para sa mga gustong matuto. Hindi ko akalain ganito pala kaganda ang Sabang Beach. Hindi nga lang kasing puti ng buhangin sa Boracay,pero ang paligid mamamangha ka talaga sa ganda. 

Dalampasigan

Si Batang Kapampangan at si Uncle Virgilio
Magandang maglibot dito lalo na kung may pribado kang sasakyan.  Dahil sa ganda ng lugar,marami kang pwedeng puntahan at gawin. Matapos ang isang oras ng paglalakad sa dalampasigan, sumunod naming pinuntahan ang Ermita Hill.


Ermita Hill

Bago kami tumuloy doon, dumaan muna kami sa Pamilihang Bayan ng Baler para bumili ng makakain.  Mga humigit kumulang 15mins. din ang byahe papuntang Ermita Hill.



Tromba Marina Sculpture
Isa sa pinaka puntahan ng mga turista dito ang Tromba Marina Sculpture. Historical Marker ito na makikita sa paanan ng Ermita Hill. Ito ay pinangalanan ng mga Kastila base sa mapinsalang Tsunami na naganap noong 18th century, sumira sa buong kabayanan ng lumang Baler. Isa ang pamilyang Angara ang sinasabing nakaligtas sa trahedyang ito.




Pook Tambayan
Tamang picnic area ang Ermita Hill dahil sa mga libreng cottages at malinis na palikuran sa taas nito. Mula dito kitang kita mo ang kabuuan ng bayan ng Baler. 
Masyadong malayo tingin mo Uncle..
Sa mataas na bahagi ng Ermita Hill matatanaw naman ang Baler Fishport sa kahabaan ng Cemento Beach.
Baler Fishport
Para sa mga mahilig mag-trekking, may humigit sa 280 steps ang naghihintay paakyat sa tuktok. 
Morning Exercise
Halos hingalin si Uncle at Auntie sa pag-akyat pero di sila nagpahuli. Kahit medyo pagod na nakipagsabayan pa rin sila sa akin. Sulit naman ang pagod dahil sa di matatawarang ganda ng tanawin sa itaas ng bundok.


It's more fun in Baler
Sa pinaka tuktok din matatagpuan ang isang malaking puting krus. Mapuno sa paligid kaya malamig at sariwa ang hangin na dadampi sa'yong mga balat. Ilang minuto din ang nilagi namin at nag-pasya na kaming bumaba. Mga bandang 11:30am na ng bumaba kami. Dahil sa pagod nakatulog ako kaagad pagka-uwi sa bahay.


Second Day: Uwian na...


Mga bandang 8:25 na ng umaga ng magtungo ako sa terminal ng bus. Sakto ang pagdating ko para sa 2nd trip ng Genesis Bus(Php 220) papuntang Cabanatuan. At dahil wala pang pasahero nag-desisyon muna akong lumibot sa Bayan. Tumawag ako ng tricycle(Php10), nagpahatid ako sa Baler Church.
Baler Catholic Church
Maliit lang ang simbahan ng Baler, pero dahil historical ang lugar na ito kaya madalas dinarayo ng mga Turista.


Aurora Aragon Ancestral House
Sa harap ng simbahan matatanaw ang replika ng tahanan ni Aurora Antonia Aragon y de Molina. Ang may-bahay ni Pangulong Manuel L. Quezon.  

The Presidential Car
Sa lugar ding ito matatagpuan ang Presidential Car ni Pangulong Quezon. Sa di kalayuan makikita ang Quezon Memorial Park, lugar kung san ipinanganak si Pres. Manuel L. Quezon. Halos mag-kakatabi lang ang mga Historical Landmark kaya di mahirap puntahan.


Quezon Memorial Park
Sa sentro makikita ang rebulto ni Quezon. At sa Bandang likuran naman ay ang Museo de baler. Kung saan
matatagpuan ang mga sinaunang gamit ng mga tao sa Baler at mga props na ginamit sa pelikulang "Baler".
Baler Museum
Masyado akong nalibang sa paglilibot di ko namalayan oras na pala. Kaya nag-mamadali akong bumalik sa Terminal para habulin ang 2nd trip. Pagdating ko wala na yung bus, kakaalis lang daw. Natawa na lang ako at dahil "no choice" naghintay na lang ako sa susunod na byahe. Mga bandang 11:30am na ako nakaalis ng Baler at mga bandang 6:30pm na ako nakabalik sa Pampanga...


Marami pang mga Tourist Spot ang hindi ko pa napuntahan dito. Kaya sa susunod na pag-biyahe ko susubukan kong libutin lahat.


Kung  may plano kang magbakasyon pwede mong idagdag sa listahan ang Aurora. Narito ang mga pwede mong sangguniin;


For bookings and inquiries, contact:
Aurora Provincial Tourism Office
Telefax : +63 (42) 209-4373
Mobile: +63 (921) 320-7015
Email: tourism_aurora@yahoo.com
Contact persons: Cha, Abbie, Adelle and Wilma
For personalized adventure packages, contact Noel C. Dulay
Mobile: +63 (919) 372-4764
Email: leoncd2@hotmail.com