Mga Pahina

May 19, 2012

Inside Mt. Pinatubo: The Crater Lake


Fast Facts:

Mount. Pinatubo is an active stratovolcano located on the island of Luzon, near the tripoint of Philippine provinces of Zambales, Tarlac, and Pampanga. It is located in the Cabusilan Mountains separating the west coast of Luzon from central plains. Before the volcanic activities of 1991, its eruptive history was unknown to most people. It was heavily eroded, inconspicuous and obscured from view. It was covered with dense forest which supported a population of several thousand indigenous people, the Aetas, who fled to the mountains during the Spanish conquest of the Philippines.


Mount Pinatubo Crater


On June 15, 1991, the eruption of Mount Pinatubo beagan at 1:42 p.m. local time. TYhe eruption lasted for nine hours and caused numerous large earthquakes due to the collapse of the summit of Mount Pinatubo and the creation of a caldera. The caldera reduced the peak from 1745 meters (5725 feet) to 1485 meters (4872 feet) high is 2.5 kilometers (1.5 mile) in diameter. It was considered as the second largest volcanic eruption of the twentieth century. The largest volcanic eruption was the 1912 eruption of Katmai-Novarupta ( Alaska).


Lagalag Expedition:


It was my first time to visit this one of a kind wonder of nature. Talaga namang excited na excited ako sa araw na ito. Mula sa paghahanda, pagpaplano at pag-aaya sa mga fb friends ko ginawa ko para lang matuloy ang Mount Pinatubo expedition. At hindi naman ako nabigo dahil sa mga taong sumuporta sa aking mga adhikain. aha!
It was a very wonderful morning when we arrived at Brgy. Sta Juliana, Capas, Tarlac where the tourism office located. Hindi ganun kadali puntahan yung lugar lalo na kung mag-cocommute ka lang. Magastos at higit sa lahat hassle talaga ang mag-byahe ng maaga lalo na at hindi ka pa talaga nakakapunta dun kahit minsan. We were very thankful dahil one of our friend, Edson, brought his own vehicle kaya di kami nahirapan. Yun ang kagandahan kapag may sarili kang sasakyan, hawak mo ang oras mo at madali kang makakarating sa lugar na pupuntahan mo. Early bird catches the early worms ika nga. Pagdating namin sa tourism office marami ng tao, tulad namin mga travelers din sila na gustong makaakyat sa Mount Pinatubo. Pero syempre hindi rin maiiwasan ang paminsan minsang hindi pagkaka-unawaan. And I think the local government of Tarlac should make an action on this issues. Marami ang may gustong pumunta ng Pinatubo kaya minsan nag-kakakulangan ng mga sasakyan. 


Scene every Morning at the Tourism Office

Charlie, Tan-tan and Richard.

Umagang sobrang dami ng tao. Weekend kasi kaya siguro ganun na lang kadami ang mga taong dumating galing sa iba't ibang bahagi ng Pilipinas. We were very lucky on that day because we didn't experience too much delay. Bago pa kasi kami umakyat inayos na namin lahat pati yung sasakyan namin na 4X4. A group of ten person, saktong sakto sa dalawang 4X4 na pinareserved namin. So after registration at konting pahinga sa jumpoff point, nag-umpisa na kami sa aming paglalakbay.


Check  Point

I want to be a mountain climber!!! ho!ho!ho! Morning exercise ng Philippine army habang nag-jojoging sa kahabaan ng kalsada ng Brgy. Sta Juliana. Puno ng energy, parang kami puno ng battery charge sa katawan at ready na sa darating na pagsubok.


The Pinatubo way...

This is where our journey begins. Pagkatapos dumaan sa isang check point, bumungad sa amin ang isang malawak na kapatagan na dating dinaanan ng rumaragasang lahar. hmmm... 


This is how Pinatubo change this part of  Tarlac.

Isang maalikabok at bako bakong daan ang babati sa lahat ng bisitang pumupunta sa Mount Pinatubo. Halos 1 hour ang travelling time na ginugol namin bago makasapit sa next jumpoff point. Kung saan wala ng sasakyan na mag-hahatid sa amin. Dahil pagdating doon, lakaran to the max na ang aming gagawin. 


The road going to the next jump-off point was really exciting. Lalo na pag-may mga humps at tuwing nag-splash ang tubig sa paligid. And of course, the marks of lahar and landslide sa buong paligid ay talaga naman nakakamanghang pag-masdan.


Stop Over!



Our first group picture along the way and my first solo pix. From left: Jerico, Jeffer, Charlie, Joanne, Bryan, Batangkapampangan(Me), Edson, Charlene, Jonathan and Richard.

The Fast and the Furious???

After that mala-roller coaster ride sa loob ng isa at kalahating oras, finally we had reached the next jump-off point. From here, we need to walk for almost 2 hours and it depends on your pacing. Syempre para sa mga sanay na maglakad ng ganun katagal hindi na yun ganun kahirap.

Parking lot for 4X4s...
From here, we started to walk for almost 2hours. 



The weather was so nice on that day. Hindi ganun kainit dahil sa mga ulap na tumatabing sa aming nilalakaran laban sa matinding sikat ng araw. Wow! parang sa bible yun ah? 




Lakad lang ng lakad. Parang walang katapusang paglalakad. What I liked about this hiked was the amazing view that captured everyone's attention in every angle of the trail. Isang mahabang lakaran sa gitna ng mga gumuhong bundok at mga lahar.



The trail going to the crater is very manageable. Hindi naman kailangan ng matinding effort. Para ka nga lang naglalakad sa kalsadang hindi sementado. There were lots of huge boulders around. And during rainy season, water from the mountains flows in this area. Kung kaya minsan ipinagbabawal ang pagpunta dito tuwing masama ang panahon.



Is that a house? Nope, it is a cottage where everyone can stop for awhile and have some rest. There is a comfort room at the side and a water source that can be drink. 




Another group picture. Sa kabila ng pagod at gutom, kaya pa rin nating ngumiti. And that's the Spirit! 





This is it! hmmmm... Your time record on reaching the crater will tell you how old you really are. huh! E paano kung lumampas ako ng twenty minutes? Hindi ba pwedeng tumawad? ehehehe


Take Nothing but Pictures lang daw...

Warning: Don't try this at Home... tsk! tsk! tsk! Jeff, wala ng aabutan ang susunod na henerasyon. Sira mo na eh....




After a minutes of rest, we continue our trek going to the crater lake. But on this time, malakas na ulit kami at game na ulit sa paglalakad.

Signages Along the Way:




These signage reminds everyone to be extra careful since the trail is becoming narrow and stiff in this area.

Almost there...

The gigantic caldera of Mt. Pinatubo.

Finally, we had reached the crater. Congratulations!!!!



This was the most challenging part of Mt. Pinatubo, the descent and ascent. Dahil sa matarik na hagdan pababa, medyo sumakit ang mga binti namin.

Pagdating na pagdating pa lang ng grupo deretso lunch agad. And after that we decided to rent a boat that brought us to the hot spring. Ibang iba talaga ang kulay ng tubig sa crater na lalong nag-papaganda sa paligid. The natural landscapes of Mt. Pinatubo was truly an awesome sight to behold. 

After the eruption in 1991, ganito na sya kaganda ngayon...


Pero dahil sa contaminated ng sulfur ang tubig, walang mga isda ang nabubuhay sa lawang ito.


As in hot talaga. May part na talaga namang mainit at hindi ko matagalan.


Hot spring

Ang mga taong putik. Those are volcanic mud, dahil sa curiosity nakigaya na rin kami sa mga taong nandun. Di ko alam kung anong epekto nito sa balat basta pahid lang ng pahid. Enjoy naman eh. ehehe!


After an hour and a half na pagtatampisaw at paglalaro, nag-banlaw na kami at bumalik na sa kabilang side ng crater.




The Crater Lake

At syempre, bago umuwi kailangan ko rin ma-experience ang pagsasagwan. Sa una akala ko madali lang, hindi pala...

Ang Bangkerong Kalbo...
Feeling naman...ehehe!
Pag-hahanda sa pagbaba... 


Isa na namang araw ng pag-lalagalag ang lumipas sa buhay ng batang kapampangan. Isang araw sa Mt. Pinatubo ang muling daragdag sa aking mga paglalakbay. Hanggang sa mga susunod pang pag-lalagalag. Drama mo!!!! ehehehe! Sa uulitin....


Lagalag Reminders:

Take Nothing but Pictures, Leave Nothing but Footprints, Kill Nothing but Time

Photos courtesy of Jerico Urbano and Batangkapampangan

Dingalan, Aurora: Matawe Beach


By virtue of Municipal Ordinance No. 3003-58 dated Aug. 4, 2003 of the Sangguniang Bayan of Dingalan, Aurora, Brgy. Cabog was renamed as Brgy. Matawe. The barangay is situated 8 kilometers south of Poblacion and can be reach by land via provincial road. Matawe occupied an area of 3,129 hectares more less with mountainous to rolling-flat terrain.-Dingalan Official website.

Actually, wala naman talaga sa plano ko ang pumunta sa lugar na to. And besides, di ko nga alam na may ganitong lugar pala na malapit sa bayan ng Bongabon. It all started when I invite some of my High School friends in our facebook group page. At talagang nandamay pa ako..ehe! Nakakainip kasi, at parang nangangati ang mga paa ko naghahanap ng malilibutan. Pero dapat kaya ng budget, mahirap na ang magipit sa gitna ng byahe. And since bakasyon naman, for sure madami ang walang ginagawa. At swerte ko naman dahil may ilang nag-response sa wall post ko. The original plan was trekking at Mt. Olivete and swimming along the river of Brgy. Labi, pero dahil sa mga demanding kong kasama they suggest, why not go to the beach na lang daw. huh! Di naman ako makatanggi dahil fan talaga ako ng mga beaches and not bitches. ahahaha! 


Sa haba haba ng usapan dumating ang araw na pinakahihintay, wala pa ring final na napagkakasunduan. Hindi pa rin namin alam kung sino at ano ang dadalhin. Na lalo namang nag-padagdag  excitement sa bawat isa. Di ba sabi nga "Mas masaya daw ang isang galaan lalo na pag-hindi planado." ika nga, Bahala na si batman. Usapan 6am ang alis, pero dahil importante lahat, we left the town of Bongabon at around 7am. Wala na talagang pagbabago ang Pilipinas. Anyway, di ba invited naman lahat, kaya I expect maraming pupunta. Pero unfortunately pito lang ang dumating sa meeting place. huh! Ganun pa man, di yun hadlang para di matuloy ang kasiyahan. And that's the Spirit na meron ang mga kasama ko. 

Si Araday, emote mode tungkol sa buhay Taiwan.

Along the way, di maubos ubos ang tawanan ng lahat sa mga kwentuhang umaatikabo tungkol sa mga crush, teachers, buhay abroad at mga funny experiences noong high school days. Pati nga mga tsimis na noon ko lang nalaman ay di na rin naiwasang mabunyag at mapag-usapan. At syempre kung sino ang wala, syang hot topic ng grupo.ahaha!


Dupinga River

Pero hindi lang naman puro kwentuhan ang magpapasaya saĆ½o sa byaheng ito. Crossing at Dupinga river really adds flavor in this trip. This is located at Gabaldon, Nueva Ecija. Mga Kubo sa gilid ng ilog? Which is very rare to see lalo na kung madalas ka sa city. Probinsyang probinsya ang dating. Hindi man ganun kalakas ang agos ng tubig, dahil nga summer, ganun pa man parang ang sarap magtampisaw sa malamig na tubig habang pinapanuod mo ang ganda ng lugar.


Tanawan, Dingalan

Another destination in this place is the Tanawan located at Brgy. Tanawan, Dingalan. Tanawan is also one of the most visited place here in Dingalan. Ito ay nasa pagitang ng bayan ng Gabaldon at Dingalan. The view along the way invites everyone to stop for awhile and take some pictures in this grassy mountainous terrains. Dito rin matatagpuan ang Tanawan waterfalls, unfortunately di na namin napuntahan. There's always a next time naman eh.


Group Pictures sa Tanawan

Masaya, kawili-wili at higit sa lahat unforgettable talaga, ganito ko maisasalarawan ang araw na to. These people were the main reason why this trip became a memorable one. Imagine after so many years, ngayon lang ulit kami nagkita-kita. From left: Me, Clayzes, Janeth, Araday, Joanne, Jeff and Hilbert. Si kuya Driver busy sa pag-yoyosi while enjoying the view of Tanawan. =)


Jump Shot!!!

Of course, isa sa best posed kadalasan sa mga group pictures ay ang Jump shot. At meron kami nyan. Hindi ba't kay gandang pag-masdan? Joanne, ang sabi jump shot hindi "Tingkad Shot". Nyahahaha!!! Tingnan mo si Hilbert, effortless parang walang dinadala ah! peace Sir!


Pictorials: Mga Feeling....


The Celebrity Posed
Porke ba single dapat ganyan na ang posed? Peace!


The Makata Posed
Anong meron? Kahit ako di ko alam kung ano ginagawa ko dito.


The Shy-Type Posed
Pa-tweetums ka pa Utay! Shades naman. Para kang Tutubi ah! ehehehe...

Para sa mga nagbalak pumunta ng Dingalan don't miss to visit this nice place. A place where you and nature collide. ano daw? Basta magugustuhan mo ang lugar na to lalo na kung nature lover ka talaga. Some reminders lang kaibigan, don't forget to apply sunblock to your skin para di ka ma-sunburn and always bring your favorite shades with you. Para enjoy na enjoy mo ang Tanawan.

At pagkatapos ng halos 2hours na pagbyahe, from Bongabon to Matawe, Dingalan, sa wakas narating din namin ang tahimik na barangay ng Matawe. It was not a white beach type, which most people want to see. And there were no commercial establishments around kaya isolated na isolated ang dating ng lugar na sya ko namang nagustuhan dahil tahimik at malinis ang paligid.

Matawe Beach is best described as Tideland. Sa una di ko maisip kung bakit, pero habang tumatagal napapansin ko na lang na isa isang naglilitawan ang mga bato at corals na dati ay natatakpan ng tubig. Kapag low tide, na madalas nangyayari, bago pa man sumapit ang tanghaling tapat mapapansin mo na ang mga halamang dagat at mga makukulay na isda sa mga tidal pools na pilit lumalangoy sa mas malalim na bahagi ng tubig. The place is surrounded by forested mountains facing the Pacific ocean.

There are cottages that are readily available in this place. Mga P200-P300 ang rent para sa mga maliliit na cottages/day pero may isang malaking cottage na kayang i-accomodate ang isang malaking grupo at may tulugan pa sa itaas, ang aming kinuha sa halagang P300,not bad dahil P500 ang original rental fee nun. At dahil sa kakulitan ng mga kasama ko ibinigay na sa presyong gusto namin. good!


Tawaran moments. Si ate medyo natakot kasi nga baka pukpukin sya ng tripod ni Sir Hilbert. Kaya ibinigay na nya agad sa P300 ang cottage sa halip na P500. Hindi pa nakuntento, humirit pa tong sa Joanne kay ate kung pwede daw makiligo mamaya bago umuwi na sinang-ayunan naman ni Jeff at Clayzes. Syempre di na makatanggi si ate baka nga naman saktan sya ni Sir Hilbert. Pero kung si Janeth ang tatanungin barya lang daw sa kanya yun. At habang ang lahat ay nakikipag-negosasyon, busy si Araday sa katext nya. Yun ba yung Seaman na kabatch natin? ehe! Mamaya na yan Araday, di ba mag-a-eyeball din kayo nyan?. =D

For Sale???
Habang nag-aayos ng mga gamit napagtripan kong kuhanan to. Check nyo na lang sa Ayosdito.com o kaya sa Sulit.com ahaha!

Muro Ami? Kaso di ako marunong mag-dive! ehehe
And since maaga pa at di pa ganun kataas ang sikat ng araw, I decided to walk around and enjoy the beach. Beachineering muna... ehehe! I got that term somewhere. Medyo nag-uumpisa ng mag-lowtide at unti-unti ng lumilitaw ang mga corals sa paligid.



The populations of sea urchins and sea cucumber are also rich in some part of this beach. Kaya dapat wear your sandals always, mahirap na baka matusok ka. 




May mga young corals din sa paligid, kaya be careful and palaging tingnan ang tinatapakan.

Rock climbing? o walking?
Young Corals....
Emote lang....

Matawe Beach is like a group of islets submerge in the seawater during high tides. The shore is covered by brown sand and small pebbles are scattered around. 

Matawe Shoreline during Summer
During High Tides

During Low Tides

Unlike other beaches which is usually covered by white sand, Matawe beach is a rocky coastal type which have a  unique and distinct look that really attracts travelers and beach goers. 
Survivor Matawe???

  

Ano ito Picturial ng Temptation Island?



Hindi kumpleto ang isang adventure kung walang kasamang masasarap na pagkain. FOODTRIPan Galore!!! 

Inihaw na Tilapya!!!
Mas masarap ang pagkain lalo na kung nakakamay. Yum!yum!yum! Inihaw na tilapya na may sawsawang bagoong, samahan pa ng chicharon at isaw.hmmmm. Hinog na mangga para sa dessert at sabayan ng malamig na softdrinks. hay!Nakakagutom di ba?

Halo-halo na yan!!!!
At para lalong ganahan, dapat may konting pampatunaw ng kinain. Di naman siguro masama ang konting alcohol sa katawan di ba? ehehe!

Boracay Rum sa Matawe Beach

SideTripan:


Bathing at Matawe....
Kapag ang tubig malamig ibig daw sabihin madalas napapalitan. As usual malamig sa dagat. Pero kapag ang tubig na malamig biglang uminit, Naku poooooo! Siguradong may umiihi!!!! ahahaha!

Matawe Cave

Effortless Dimples ahahaha. Wala na munang kokontra ok!


Port of Dingalan

I would like to take this opportunity para pasalamatan ang mga taong nakasama ko. Thanks to Joanne na sumagot sa service namin. Mayaman...

Nice smile. Iba na Talaga malapit ng ikasal ehehe!
Thanks to Janeth, Clayzes, Araday, Jeff and Hilbert para sa pagsagot sa rent ng cottage at sa foods. Sana di kayo magsasawa ehehe!


Another wonderful trip na naman ang natapos. Isang araw na puno ng adventure at kalokohan. Pitong taong nagkasundo sa iisang hilig. Umulan man o umaraw, madami man o kaunti basta ang importante buo ang loob para matuloy ang kasayahan. At sila ang mga taong madalang ko lang na makasama, kahit magkakalayo hindi pa rin nawawala yung dating samahan. Isang dagdag karanansan na naman para kay batang kapampangan. Sa uulitin...


Whahahahaha! O, Anu na? knock down yata? Walang maingay ha....ehehehe


How to get here:

From Manila, take the North Expressway, exit at Sta. Rita and head northward to Cabanatuan. From Cabanatuan Main Terminal ride a Danilo bus or D-Liner (I'm not quite sure) going to Ibuna, Dingalan, Aurora. The bus head to Palayan (the Provincial Capital of Nueva Ecija) head to Laur  then to Gabaldon, Nueva Ecija then to Dingalan, Aurora. At Dingalan, continue about 7km southward until you reach Matawe. As you reach Matawe, you will see the tideland to your left about half kilometer from the beach. Matawe is accessible by bus, cars and other means of transportation.